Juan Kulangot,
nag-uunahan na naman ang kabog ng aking dibdib, nagbabadya ng isang pagsabog. kung may kakayahan lang itong umabot sa harap mismo ng mukha mo, baka nanghiram ka na ng mukha sa aso.
pero, maswerte ka pa din, kinakaya kong kimkimin lahat at sarilinin. maraming beses ko ng sinubukang sabihin o iparamdam, pero ang bonggang ending, kawawang Bertang Bayong nagmukha lang tanga sa taong nagpapatay malisya.
matagal ko nang ipinaubaya sa Diyos ang lahat ng sama ng loob ko, ayokong manatili ng matagal sa ganitong kalagayan, samantalang ikaw, award winning in “Patay malisya” role. E, wala eh, dinadalaw pa din ako paminsan-minsan ng iniwan mong “tandang pananong” na ‘di ko alam kung ’san ko huhugutan ng makatotohanang sagot.
minsan, subukan mo namang ilagay ng ilong mo sa lugar ko, subok lang naman, syempre ‘di mo maiintihan, patay malisya ka eh, wahahaha. Sige wag nalang.
wag mong i-point ulit sa akin ang fingers mo ha? hindi naman ako naninisi, gaya ng conclusion mo dati. marami lang akong hindi maunawaan, pero dahil sa wala naman akong mapalang sagot sayo, ako nalang bahala dun. give me time, baka bobo lang talaga ako.
Hanggang sa Muli,
Bertang Bayong


