Sinubukan kong ilakad ang aking mga paa sa baku-bako at magaspang na daan. Di nanghinayang sa panahong inalagaan upang di masaktan at magasgasan man lamang. Ano pa nga bang aasahan sa kapangahasang ginawa, kundi, hapdi at sakit na dulot nang matatalas na bato at mga tinik na bumabaon sa aking mga paa. Ngunit sa pag-aasam na may marating sa paglalakad at sa paniniwalang may ginhawang naghihintay sa dulo ng daan, lalo lamang nadagdagan ang sakit na naramdam. Maging ang lamig at init ng daan ay di na pinansin. Hanggang sa naging manhid sa sari-saring sakit na aking dinaanan. Wala na akong maramdaman. Wala na ang nga magagaspang na bato, ang mga nakakatibong tinik, ang lamig nangg daan at init na dulot ng matinding sikat ng araw.
At sa wakas narating ko din ang hangganan, ang inaakalang magandang tanawin ay di ko natagpuan, bagkus, dalawa pang naghahabaang daan ang aking nasaksihan. Sa kaliwa, daan na puno ng bubog na sa dulo nito ay ulap na waring nagtatalo kung bubuhos ang ulan o sisikat ang magandang araw. At sa kanan, isang daan na puno ng talahib na ang tinitumbok ay libreng pa-foot spa.