Posted by: prettyfhe | September 2, 2009

Kwento ng Pag-ibig

Ang unang tibok ng aking puso
Ang patunay na IKA’Y totoo
Pinalasap ang tunay na mundo
Kasama KA at ang iyong pangako

Kung babalikan ang aking kamusmusan
Wala itong mapait na karanasan
Binigay MO ang mga taong lubos na maaasahan
At ang tanging hangad ay ang magandang kinabukasan

Ngunit sa tukso ako’y hindi nakipaglaban
Sumama sa agos ng nagbabadyang kalaban
Sa IYO’Y nagtaksil, sinuway ang kalooban
Tumalikod at iniwan KA ng walang pakundangan

Kinalimutan ang IYONG kabutihan
Inuna ang makamundong kasiyahan
Naging bingi ang puso at isipan
Sa IYONG pagtawag ika’y iniwasan

Sa gitna ng aking pagdadalamhati
Lumapit KA sa akin nang nakangiti
Walang bakas ng paghihiganti
O kahit ano mang paninisi

Tinanggap MO ako ng walang alinlangan
Inunawa sa kabila ng kasalanan
IKAW ang nagbigay sa akin ng buhay
Salamat, ako sa IYO’Y nagpupugay


Responses

  1. haist! nung nabasa ko yung TAGS, yun naman pala. hahaha.. pero kung bout talaga yan sa pagibig eh, masasabi ko lang, martyr. hahaha

    light in the darknes..

  2. Nice..! sana maging ganyan din ako kagaling gumawa ng tula.. hinahangaan ko ang gumawa nito. kahit mejo malungkot at nkakaiyak ang talambuhay nya.

  3. *nose bleed*

  4. ALLEN
    alam mo naman SIYA, martir talaga… =p

  5. very_excited

    hindi yan nakakaiyak.. inspiring.. :p

  6. BlackZero

    cguro yung dugo mo black na din.. :D

  7. @author

    honga eh… ako martyr din.

  8. ^_^ emo..emo..emo.. dakilang emotera!!!

  9. wow galing mo FHE… gawa ka pa nang ganito… it will inspire us… GOD BLESS

  10. ALLEN

    pero hindi ka DIYOS.

  11. @author

    sabi ko martyr din ako. di ko sinabing diyos din ako..

  12. *bump*

    black blood spills…

  13. Allen

    oo naman! wahahah! ewan ko sayo. ayusin mo ang admirer mo! wahahaha :D

    blackzero

    nagkalat ka pa ng itim na dugo dito!

  14. @author

    che. admirer ka jan. haha. kung hindi dahil sa blog mo eh hindi ako tatanungin kung ko daw ba yun. malay ko ba don. wala naman tayong ginagawang masama. amft.

  15. Allen

    yaan mo n siya, kung sino man yang kianonly45, mag move on na tayo.. nyahaha :D

  16. nung nbsa ko kgad nsa 3rd pragraph nko..chineck ko ulit title ng TULA mukhang hindi xa akma. sabi ko continue..naisip ko tuloy nagwa mo tong tula nato na narealize mo ang mga bgay2 hbang ngccmba ka.haha at ang tags nga ay tama ang aking conclusion its all about HIM. nice one…..hehe

  17. anu ba tong mga readers mo frend. mga shunga shunga! ahhahaha.

    Ganda,frend!
    AMEN!

    wala sa hulog mga readers mo

  18. nyahaha pansin mo din frend..? sumakit nga ulo ko kahapon.. :D

  19. anong kaguluhan to ulit?

  20. ewam ko ulit sayo.. :D


Leave a response

Your response:

Categories