Posted by: prettyfhe | September 15, 2009

The Actor

Kayrami mong sinabi
‘Di iyon isinantabi
Ngayon ika’y nasa isang tabi
Buti nakakatulog ka sa gabi?

Ngayon mo ulitin sa akin
Ang bawat linyang idinidiin
Noong abot pa ng paningin
At kaya pa kitang abutin

Ang paglipas ng mga araw
Simula ng iyong pagpanaw
Ay naging mahal na araw
Si Hudas ang nangibabaw

Sa pagtrato mong parang naparalisa
Sa pagsasalita mong walang sustansya
Nangangahulugang walang ebidensya
At galing sa walang kunsensiya

Masisisi mo ba?
Na nakagawa ng tula?
Patungkol sa bagay
na pinaramdam mo ng tunay?

‘Di na kailangan ng isa pang sandali
para maunawaan ang iyong parte
sapat na ang pinakikita mong arte
isa kang aktor na magaling umarte


Responses

  1. ako unang nakabasa neto. hahaha

    ala lang

  2. wala lang din…

    hahaha! :D

  3. promises are made to be broken…

  4. padami ng padami ung mga pasaring natin jan ah…nsa anung level n kya ng anger yan??ahaha cge more pa frend…….

  5. ALLEN

    … and what is BROKEN is BROKEN hehe :D

    APOL
    nag-eexpress lang ako ng nararamdaman, nakikita at naoobserbahan frend :D


Leave a response

Your response:

Categories