wala pa tong title kasi draft lang eh.. nahanap ko lang sa mga files ko, naglinis kasi ako ng PC hehehe…
akalain mong may “thought” din pla to, para sa akin, syempre ako gumawa eh.. wahahha
alam ko may MAGIC WORD to eh, makahula lilibre ko ng ice cream![]()
and it goes a little sumtin’ like this…
Maya-maya lang lulubog na naman ang araw
At di ko na naman alam kung paano ito isasalarawan
Yayakapin ang unan at itatalukbong na lang muli ang kumot
Pag ngiti ng araw, kailangan kong sumabay
At isaalang-alang ang marami pang bagay
Ilang sleepless nights pa yan
Yaan ko na lang, matatapos din yan
At baka ikapayat ko pa at lalo kong ikaganda
Konting panahon lang ang tangi kong kailangan
Ilang beses ko man panghawakan ang mga binitiwang salita
Yakapin ang iniwang alaala
Alam ko na ang kahulugan ng bawat puwang na naiwan
Kagaya ng nalalaman ko, kahit pilit kong pinasisinungalingan
Kaya kung iba na rin ako ngayon, may basehan at hindi para lang tumakas
At maaaring ito ang tamang paraan na abot ng aking pang unawa
Parang kay hirap ng buuin ang nagkapunit punit ng larawan
Alam kong ang ilang bahagi nito ay tinangay na ng hangin